angdrama:

Metro Manila (2014)
Director: Sean Ellis
Cast: John Arcilla, Althea Vega, Jake Macapagal
Country:  United Kingdom
Si Oscar ay isang simpleng tao at mapagmahal na ama at asawa. Lumuwas si Oscar at ang kanyang  pamilya sa Maynila para makipagsapalaran. Pagsasaka ang kabuhayan nila sa Banaue pero dahil sa kahirapan napilitan silang lumipat sa Maynila.  Kilala ang Maynila sa mga mandurugas lalo na sa mga bagong salta o mga probinsyano. Sa kanilang unang dating naranasan ito nila Oscar.
 Nakahanap ng trabaho si Oscar at ang kanyang asawa. Mabait ang naging partner ni Oscar sa pagiging isang driver sa isang armored truck company na si Ong. Pero madidiskubre ni Oscar na wala ring pinag-kaiba si Ong sa mga Mapansamantalang taong nakilala niya.
Review:
May katotohanan ang kwento kaya nakakalungkot isipin. Sumasalamin ito sa hirap ng buhay. Kahit ako ang nasa kalagayan ni Oscar Hindi ko Maiisip kung ano ang aking gagawin. Maganda ang twist sa huli,Kahit papano nagbibigay ito ng pag-asa para sa hinaharap. Ipinumulat din sa akin ng pelikulang ito ang hirap at panganib ng trabaho ni Oscar. Magaling rin ang pagganap ni Ong.
Hindi man ganoon kaganda ang cinematography kuntento na ako sa ipinakita nitong mga slum areas.  Nakapagtataka lang ang paggamit nila ng head gear dahil hindi ito makatotohanan. Pero  Isa ito sa magagandang pelikula na napanuod ko hindi man ito gawa ng Pilipino.
Rating: 5/5

Surplus Mermaid (2014)
Director: Baek Seung-ryong
Cast: Jo Bo Ah, Oh Joo Wan, Song Jae Rim, Park Ji Soo
Country: South Korea
Si Kim Ha-Ni ay isang sirenang nangangarap maging isang tao. Marunong siyang gumamit ng Cellphone at Mag-internet dito. Nagkagusto siya sa isang Tao na si Shi Kyung. Si Shi Kyung ay isang Chef. Dahil sa pagiging desperado ni Ha Ni maging tao ininom niya ang potion para maging isang nilalang ng hindi alam ang kapalit nito. Magiging mga kaibigan niya ang mga boarders sa isang bahay at mararanasan ang samu’t saring hirap ng pagiging tao tulad ng paghahanap ng trabaho at paghahanap sa kanyang true love.
Inabangan ko ang drama na ito dahil kasali sa Cast si Kim Seul Gi.  Nakakatuwa ang bawat episode. Halata man ang storyline, patok pa rin ito sa akin. Ang problema lang ay ang pagiging 10 episodes nito kesa sa orihinal na 16 episodes.  Napabilis ang kwento at hindi iyon maganda dahil madaming maiiwang katanungan sa audience.
Ayos lang kahit Naramdaman ko mang natabunan ng second love team (Hye Young at Big) ang main love team( Ha Ni at Hyun Myung) dahil sila rin ang halos main event kada-episode.
Pero sa kabila ng lahat maganda ang drama na ito kung gusto niyo ng comedy. Ipinapakita din ang tunay na pagkakaibigan, pagmamahal at ang pag laban sa kahit anong pag-subok na dumating sa buhay.
Rating: 4/5

Gimme Shelter (United States, 2013) 
Isang pelikulang hango sa totoong buhay.
Ito ay kuwento ni Agnes/Apple, isang buntis na dalaga, na inabuso ng kanyang nanay at step-dad. Nang pakiramdam niya ay hindi na siya ligtas sa kanyang nanay na lulong sa droga ay umalis siya sa poder nito at hinanap ang kanyang tunay ama. Nang mahanap niya ito ay hindi rin niya nagustuhan ang balak ng ama sa magiging anak niya. Napilitan tuloy siyang umalis ulit at aksidenteng napunta sa isang shelter home. Dito nakilala niya ang mga kapwa niyang batang ina na magiging kapamilya habang siya’y nagdadalang-tao.
Maganda ang istorya at materyal. Maganda ang pagkakaganap ng mga artista. Si Vanessa Hudgens ay hindi mo aakalaing may tinatagong lalim sa pag-arte, gayundin, ang lahat ng kasamahan nito sa pelikula. Medyo may kulang lang na eksena sa aking panlasa. Hindi masyado naipakita ang hirap ni Agnes sa paglipat-lipat ng foster home at ang matibay na pagsasamahan nila sa shelter home. May mga eksena sa pelikula na maaring alisin. May mga kuha pa na dapat dun sa nagsasalita nakasentro pero nakatutok sa umiiyak na mukha ni Agnes.
Maganda sana ang potensyal ng pelikula kung nabigyan lang ng tamang budget at execution. Ganun pa man, Isa pa rin akong Zanessa fan! (Maisingit lang. heheh.)
Mga taong makakarelate:  Ang mga anak na may dysfunctional na pamilya.
Pang-status na linya ng pelikula: “Sometimes you have to leave home to find your family”
Grado: 6/10

angdrama:

Gimme Shelter (United States, 2013

The Gifted (Philippines, 2014)
       Maituturing ngang regalo ang pelikulang ito sa mga manonood. Isa ito sa pinakamagandang pelikulang pilipino na pinalabas malawakan ngayong taon (Halos kapantay ng Starting Over Again sa aking personal na listahan.)
           Ang The Gifted ay hindi umikot sa tema ng pagibig na namuo sa dalawang kaibigan o kaya sa magkasintahan/magasawa na nangaliwa na karaniwang tema ng mga lokal na pelikula ngayon.
           Ito ay sumentro sa kuwento ng dalawang matalinong magkaibigan na nagkaroon ng kumpitesyon ng sila ay umabot ng highschool, Sila Aica (Christine) at Zoe (Anne). Lagi kasing pangalawang magaling lang si Zoe kay Aica. Kaya naman ng sinabihan siya ng mga magulang niya na maging pinakamatalino sa klase, Hindi pagpapabuti sa pagaaral ang kanyang  ginawa kundi pagsasabotahe sa pagaaral ni Aica. Dito na papasok ang importanteng karakter ni Mark (Sam) na magpapagulo sa kanilang buhay.
           Ang pelikulang ito ay mailalawaran na “dark-comedy” na talaga namang bago sa aking panlasa pag nanonood ng lokal na pelikula. Maganda at bago ang istorya. Maayos ang pagkakasunod ng mga eksena. Halatang hindi minadali at mahusay na pinagplanuhan (Nagsimula ang pagshooting ng pelikula ng 2013 pa). Bawat eksena ay mahalaga sa kabuaan ng pelikula. Ang pagarte ng tatlo bida ay kahanga-hanga din, lalo na kay Anne Curtis. Napakahusay ng pagganap niya dito. Wala akong maisip na ibang artista na puwedeng gumanap sa mapanghamon na papel ni Zoe. Taas na ang kamay ko kay Anne. Isa na siyang aktres. Magaling din si Sam, magbisaya ba naman ang isang tubong america, hindi ka pa bibilib? Si Christine din ay magaling, sa eksenang naguusap sila ni Anne sa telepono ako pinakanatawa. Naalala ko din ang tunog na ginagamit nila pag dumadating si Zoe sa eksena. Maliban dun, ay wala na akong masyadong maalala na tunog na ginamit sa pelikula. Huwag na huwag din kayo umalis agad pagkatapos ng credits ng pelikula dahil dun mawiwindang ang inyong kamalayan sa pelikula. “-SPOILER : MAY TWIST! “ 
         Nakakalungkot lang na pagkatapos ng linggo ng pagkapanood ko ay wala na ito sa sinehan na malapit sa’min. Ang mga ganitong klaseng pelikula ang may karapatan na maging box-office. Nung una nga akala ko ay masasayang lang ang pera ko sa panonood nito, pero lumabas ako ng sinehan ng nakangiti at kuntento. Sulit ang bayad ko! Nakakatuwa.
Mga taong makakarelate: Yung mga taong competitive at inggitera sa ibang tao kahit sa kaibigan nila o kaya yung mga sobrang matalinong tao na nasa borderline na ng pagkabaliw.
Pang-status na linya ng pelikula: "Huwag mo sayangin ang talino mo sa iisang lalake. Marami ka pang makikilala. -Nanay ni Aica "
Grado : 9/10

Money Can Buy Happiness

Whoever says that Money Can’t Buy Happiness completely got it wrong or is simply trying be deep.

Cause If it weren’t? Why am I so happy with payday?

They don’t like you…

They simply wants something from you.

  • Athena: Ang swerte kaya niya. (referring to Abigail)
  • Kenji: Kasi my gagong handang magpakamatay ng dahil sa kanya?
  • Athena: ...kasi my nagmamahal sa kanya. Period.

“Life is like an ice cream. Enjoy it before it melts.”

Random Ice Cream Parlor in Cubao.

ABOUT

Camisha Dzoan

christ believer l striving employee l frustrated writer l big eater l weight ranter l bathroom singer l feeling blogger l

Feel free to follow because mind you, I'll follow back! :D

Navigation

FOLLOWING

MusicPlaylist

free counters
Free counters